Isang lalaki, kulong matapos magnakaw ng isang delata sa Maynila

Kalaboso ang isang 46-anyos na lalaking vendor matapos nitong nakawin ang isang delata ng corned beef sa Maynila.

Nakilala ang naaresto na si Jericho Flores na residente ng Barangay Bagumbayan sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa imbestigasyon ng MPD Station-5, tinangka ng suspek na ilabas ang corned beef sa isang supermarket sa San Andres Street, kanto L.M. Guererro Street, Barangay 702, Malate.

Nabatid na inilagay ni Flores sa loob ng underwear ang corned beef pero nakita ng mga guwardiya ang ginawa nito.

Matapos maharang ang suspek at makita ang corned beef, agad na ipinaaresto ang suspek na nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments