Isang lalaki na high value target dahil sa iligal na droga, arestado sa Paranaque City

Hindi na nakaporma ang isang lalaki na itinuturing na high value target ng pulisya dahil sa talamak nitong pagbebenta ng iligal na droga sa Paranaque City.

Nakilala ang nadakip na si Emerson Lumberio Jr. na mas kilala sa alyas na Binoy, isang vendor at residente ng Barangay B.F. Homes.

Nabatid na ilang linggo din isinailalim sa surveillance ang suspek bago ikinasa ang Buy-Bust Operation.


Nakuha sa kanya ang siyam na sachet ng shabu, na may bigat na 150 gramo at nagkakahalaga naman ng P1,020,000.00.

Tikom ang bibig ng suspek kung sino ang source nitong iligal na droga na kasalukuyan nang nakakulong sa Paranaque City Police Station.

Facebook Comments