Isang lalaki na itinuturing na high value target dahil sa iligal na droga, arestado sa Pasig City

Nadakip ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang isang lalaki na itinuturing na high value target dahil sa iligal na droga.

Kinilala ang drug personality na si Thomas Christian Jimenez, 29-anyos.

Naaresto si Jimenez sa Road 1, Willaray Village sa Brgy. Pinagbuhatan.


Nakuha sa dalawang sachet ng shabu na nasa isang gramo ang bigat na may street value na P6,800 at dalawang sachet ng marijuana na nasa higit isang gramo at nagkakahalaga ng P156.00.

Nabatid na natiyempuhan lamang si Jimenez ng mga rumorondang mga pulis kaugnay na rin sa pinaigting na kampaniya ng Eastern Police District kontra iligal na droga.

Facebook Comments