Isang lalaki na magpasailalim sana sa WPP, inaresto matapos matuklasan sa e-warrant na may nakabinbing kaso na murder sa Parañaque City

Inihayag ni NCRPO Regional Director PMGen. Felipe Natividad na hindi na nakapalag pa ang isang lalake na magapsailalim sana sa Witness Protection Program (WPP) pero natuklasang mayroon palang Warrant of Arrest sa kasong Murder sa Parañaque City.

Ayon kay Natividad, nagtungo sa Kampo Krame ang akusado si Roque Sumayo upang makipagkita sana kay Philippine National Police officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., sa pamamagitan ng Complaint Referral and Monitoring Center.

Base sa pahayag ng akusado, magpatutulong ito sa PNP na mailagay sa WPP dahil umano sa sinalakay at pinaslang umano ng pulis ang kanyang asawa at mapalad aniyang siya ay nakatakas.


Pero nang silipin ng PNP ang record ni Sumayo, natuklasang sa E-Warrant na mayroon pala itong Warrant of Arrest sa kasong murder noon pang Enero ngayong taon sa Parañaque RTC Branch 257.

Ayon pa sa ulat, nang makakuha ng kopya ng Warrant of Arrest dito na dinampot ng mga pulis si Sumayo at agad pinosasan ng Camp Security and Escort Unit sa Kampo Krame.

Facebook Comments