Isang Lalaki na nasa Watchlist ng PDEA, Timbog!

Echague, Isabela- Arestado ang isang drug suspek na nasa watchlist ng PDEA matapos isilbi ng mga otoridad ang Search Warrant noong Pebrero 15, 2019 sa Brgy. Taggappan, Echague, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Francisco Samut Pascua Jr., 53 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, isinilbi ang Search Warrant na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Echague, Isabela kay Pascua kung saan nakumpiska ng mga otoridad ang tatlong transparent sachet ng crystalline substance, anim na sachet ng hinihinalang shabu, dalawang pirasong lighter, mga aluminum foil, isang gunting at isang wallet na naglalaman ng humigit kumulang labintatlong libong piso.


Samantala, dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang mga nakumpiska maging ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Facebook Comments