Isang lalaki na nasangkot sa gulo, nahulihan ng iligal na droga sa Pasay City

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga ng masangkot sa iaang gulo sa Barangay 80, Zone 10, Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si Gilbert Cañete, 27-anyos at residente ng West Bank Road Floodway, Rosario, Pasig City.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng away ang ilang kalalakihan sa Loring St. sa nasabing barangay dahil sa nagkapikunan habang nag-iinuman.


Nagkataon naman na may mga rumorondang mga pulis at nang remesponde sa gulo ay nagkatakbuhan ang ilang sa mga ito kung saan nakorner ng mga otoridad si Cañete.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang sachet ng marijuana na may bigat ng higit isang gramo at nagkakahalaga naman ng ₱155.00.

Aminado si Cañete na sa kaniya ang iligal na droga at gumagamit lang daw siya nito pero hindi nagbebenta habang todo tanggi din siya na sangkot siya sa nangyaring gulo.

Facebook Comments