Isang lalaki na tulak umano ng ilegal na droga, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang isang lalaki sa Marikina City na tulak umano ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si John Rey Balles Paglisan, alyas ‘Yanyan’, at 28-anyos.

Nasamsam sa kanya ang 10 gramo ng shabu an may katumbas na halaga ng ₱68,000 at ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.


Ayon sa Marikina Police, pasado alas-6:30 kagabi nang gawin nila ang nasabing operasyon sa may kahabaan ng Blk. 70-71, Ampalaya Street Brgy. Tumana, Marikina City sa pinangunahan ng Station Drugs Enforcement Unit.

Nakakulong na ang suspek sa Marikina City Police Office custodial facility, at nahaharap ito sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments