Isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa Muntinlupa, arestado sa buy-bust operation  

38

Timbog ang isang lalaking nagtutulak umano ng ipinagbabawal na droga sa Lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya. 

Nakilala ang suspek na si Ronald Feliciano Diaz, alyasDagul,” 34-anyos at residente ng Purok 1 Tanglaw, Barangay Cupang ng nasabing lungsod. 

Nakuha mula sa kaniya ang limang gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P34,000 at ang P200 na ginamit bilang buy-bust money. 

Ginawa ang nasabing operasyon sa PNR Site sa Sitio Tuklas, Brgy. Cupang, lungsod ng Muntinlupa pasado ala-1:00 ng hapon kahapon matapos mabilhan ang suspek ng umano’y shabu ng isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer. 

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002. 

Facebook Comments