Isang lalaki, nakapagtala ng dalawang libong beses na pagbisita sa Disneyland sa Amerika

74

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng isang lalaki sa California ang kanyang ika-dalawang libong araw o 2,000th straight day na pagbisita sa Disneyland.

Si Jeff Reitz, isang beterang air force officer ay nakatanggap ng annual pass sa Disneyland.

Ibinigay sa kanya ang pass bilang regalo at nagdesisyon siyang araw-araw na bisitahin ang theme park sa loob ng lima’t kalahating taon.


Dahil 2000th day visit niya sa Disneyland, naging instant celebrity siya sa park.

Sa ngayon, patuloy pa rin siyang pupunta araw-araw sa Disneyland habang positibong makakahanap ng trabaho.

Facebook Comments