Isang lalaki, nasawi sa nangyaring kilos-protesta kahapon; 48, sugatan

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang kumpirmadong nasawi sa naganap na kilos-protesta kahapon dahil sa tinamo nitong saksak.

Ayon sa Department of Health (DOH), dineklarang dead on arrival ang nasabing lalaki.

Samantala, 48 katao naman ang sugatan at dinala sa Jose R. Reyes Memorial Centee (JRRMMC).

Ayon sa kanilang datos, dalawa rito ay mula sa kapulisan na nagtamo ng minor injuries tulad ng laceration at pasa sa katawan.

Habang may 6 na pasyente rin na nagtamo ng iba’t ibang uri ng sugat kagaya ng head and eye trauma, gunshot wound, hiwa sa paa at injury sa braso.

Bukod dito, nasa 39 naman na raliyista ang sugatan na sumasailalim na rin sa physical examination.

Tiniyak naman ng DOH na zero balance billing ang mga nasabing dinala sa hospital.

Facebook Comments