Isang lalaki patay matapos barilin nang nakalitan nito sa sugal sa Tondo, Maynila

Patay ang isang 20-anyos na lalaki matapos barilin sa isang lamayan sa Mabagos street, Brgy. 30, Tondo, Manila.

 

Nakilala ang biktima na si Alexis Encallado habang ang suspek ay isang alayas Jr Conception.

 

Sa imbestigasyon, nagkasagutan ang biktima at suspek habang naglalato ng baraha sa lamay ng nasawi nilang kapitbahay.


 

Agad na umalis si alyas Jr at nang bumalik, binaril nito ang biktima saka mabilis na tumakas.

 

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio si Encallado pero binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

 

Kwento nang saksing si Remel Laberon, napikon ang suspek sa tila pang-aasar ng biktima kaya’t uminit ang ulo nito lalo na’t malaki na din ang talo niya sa sugal.

Facebook Comments