Isang lalaki, patay matapos barilin ng kainuman sa Maynila

 

 

Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin ng kaniyang kainuman sa Maynila.

 

Nakilala ang biktima na si Jonathan Santos, 30-anyos, isang construction worker at residente ng Kagandahan Street sa Barangay 163, Gagalangin, Tondo.

 

Habang ang suspek naman ay kinilalang si Jefferson Suarez, 40-anyos, isang vendor at residente ng Daang Bakal Street sa nasabing barangay.


 

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang tatlong iba pa sa riles ng tren sa Barangay 152.

 

Sa hindi malamang dahilan, biglang binaril ng suspek ang biktima nang dalawang boses sa ulo.

 

Mabilis na tumakas ang suspek na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Facebook Comments