Isang lalaki, patay matapos barilin ng sariling tiyuhin sa Maynila

Matinding alitan sa isa’t-isa ang nakikitang motibo ng mga otoridad kaya’t napatay ng isang lolo ang pamangkin nito sa Pandacan, Maynila.

 

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Division, binaril ng 72-anyos na suspek na si Arnulfo Gaton ang pamangkin na si Eduardo Magalona, 64-anyos habang nagdidilig ng halaman sa kanilang bahay sa Dapo street sa Pandacan.

 

Agad na namatay ang biktima kung saan nagbaril din sa sarili ang suspek na kaniya din ikinasawi.


 

Mismong ang kamag-anak ng dalawa ang nagsasabing matagal nang hindi nagkakasundo ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan kung saan hindi nila akalain na hahantong sa pagpatay ang insidente.

 

Inaaalam naman ng pulisya kung saan o kanino nakuha ng suspek ang ginamit na .38 na baril.

 

Facebook Comments