Isang lalaki, patay matapos barilin sa Ayala Tunnel sa South Bound ng EDSA-Ayala, Makati City

Isang lalaki ang binaril at napatay sa Ayala Tunnel sa South Bound ng EDSA-Ayala, Makati City.

Ayon sa Makati City Police, ang hindi pa nakilalang biktima ay nagmamaneho ng Toyota Innova.

Nagkagitgitan aniya ang biktima at ang hindi pa nakilalang suspek na nakasakay sa Sedan.


Pagdating ng Ayala Tunnel ay binaril ang biktima ng nakagitgitan nito.

Nabatid na bukod sa biktima, may sakay itong isang bata at isang babae.

Nawalan ng kontrol ang Innova nang mabaril ang driver nito dahilan para masagi niya ang dalawang motorsiklo.

Ang naturang insidente ay nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa south bound ng EDSA-Makati City.

Facebook Comments