ISANG LALAKI PATAY MATAPOS MAHIGOP NG TURBINE ENGINE

CAUAYAN CITY – Isang indibidwal ang nasawi matapos itong mahigop ng umaandar na turbine engine ng isang eroplano sa Amsterdam’s international airport.

Sa anunsyo ng KLM Royal Dutch Airlines, ang eroplanong sinasakyan ng biktima ay patungong Billund, Denmark, sa Amsterdam’s Schiphol Airport.

Dagdag pa ng KLM, na inaalagaan na ang mga pasahero at empleyadong nakakita ng insidente.


Wala namang inilabas ang mga opisyal kung ano ang pagkakakilanlan ng biktima, kung siya ba ay pasahero, empleyado o bystander.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung ano ang dahilan ng naturang insidente.

Facebook Comments