Isang lalaki, Patay matapos pagbabarilin!

Tumauini, Isabela – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem pasado alas dos ng hapon sa Brgy. Arcon, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Romeo Avendano Balabagan, 55 anyos at residente ng Santa Fe, Agoo, La Union habang ang mga suspek ay tinutukoy pa ng mga otoridad.

Batay sa ipinarating na report sa RMN Cauayan, habang ipinaparada ni Balabagan ang kanyang motorsiklo sa gilid ng lansangan ay bigla na lamang dumating ang riding in tandem criminals at basta na lamang pinagbabaril ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments