Isang Lalaki, Patay sa Pamamaril

Tuguegarao, Cagayan – Isang lalaki ang patay sa isa na namang pamamaril sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakalap na report ng RMN Cauayan News Team sa pamamagitan ng RMN Affiliate Radyo DZCV reporter Evangeline Malana, ang biktima ay nakilalalang si Diosdado Arugay Jr, 34 anyos, may asawa,construction worker at nakatira sa Luna St, Ugac Sur, Tuguegarao City.

Nangyari ang pamamaril sa harap ng mismo harap ng bahay ng biktima bandang 10:15 ng umaga, Setyembre 20, 2017.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, ang biktima kasama ang isang Marcelino Sepnio ay nakaupo sa harap ng family house nina Arugay nang dumating ang dalawang indibidwal na sakay sa isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Isinugod ang biktima sa Tuguegarao People’s General Hospital ngunit dineklara din itong dead on arrival.

Facebook Comments