Isang Lalaki sa Aurora, Isabela, Arestado sa Panggagahasa!

251

*Aurora, Isabela- *Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas matapos silbihan ng warrant of arrest sa Brgy Diamantina, Aurora, Isabela.


Kinilala ang akusado na si Jomar Angeles, 32 anyos, at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas 11:45 ng umaga nang mahuli si Angeles sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni judge Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela.

Dahil ito sa kanyang kasong Panggagahasa kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng PNP Aurora ang akusado para sa karagdagang imbestigasyon bago iturn-over sa court of origin nito.

Facebook Comments