China- Isang lalaki sa China ang hindi nawawalan ng pagasang makakatagpo pa rin niya ang kaniyang future wife.
Ito ay sa kabila ng naranasan niyang 80, 000 beses lang naman na rejection mula sa mga babae na niyaya niyang makipag-date, sa nakalipas na 8 taon.
Ayon sa 31- year old na si Niu Xiangfeng, nagsimula niyang maramdaman na kailangan na niya ng partner noong nasawi ang kaniyang ama sa sakit na cancer.
Dito niya aniya naramdaman na kailangan na niya ng katuwang sa buhay, at magsimula ng sariling pamilya.
Nasa 60,000 mga babae na aniya ang minessage niya online, na ni-reject siya, habang ang ibang mga babae naman ay ‘yung mga nakakasalubong niya sa daan.
Ang hirap raw kasi sa mga babae ngayon ay puro panlabas na anyo ang tinitignan at nag re-require na dapat ay may bahay sa city ang isang lalaki.
Naging headline na rin ng balita si Niu Xiangfe at umani ng iba’t-ibang reaksyon sa social media.
Say ng ilang netizen, walang namang kinalaman sa itsura at height niya kung bakit siya nire-reject ng mga babae, kundi sa desperadong approach nito sa pakikipag-date.