Isang Lalaki sa Echague, Isabela, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Baril!

178

*Echague, Isabela-* Arestado ang isang lalaki matapos matiklo sa isinagawang operasyon ng kapulisan bandang alas otso kaninang umaga sa Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Roldan Velasco, bente otso anyos at residente ng Brgy. Ngileb, Alfonso lista, Ifugao.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, si Velasco ay dinakip ng mga kasapi ng PNP Echague kasama ang CIDG Santiago matapos kumagat sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber 9mm na may kasamang pitong bala ng cal 9mm, isang pirasong magazine ng caliber 9mm, isang sling bag, isang unit ng cellphone at buy bust money.

Dinala na sa PNP Echague si Velasco na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“.

Facebook Comments