Isang Lalaki sa Echague, Isabela, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

*Echague, Isabela-* Timbog ang isang lalaki matapos matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Echague, Isabela kagabi sa brgy Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Melchor Pecson Llarena, 44 anyos, may-asawa, jobless at residente ng brgy Rizal, Santiago City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Llarena matapos nitong bentahan ang isang police poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang limang daang piso (500.00).


Dagdag pa rito ay nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre 38 na may apat na bala.

Dinala na sa PNP Echague ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Paglabag sa RA 10591 si Melchor Llarena.

Tags; dwkd985cauayan, rmn cauayan, luzon, isabela, cauayan city, pnp echague, echague,

Facebook Comments