Panghimagas – Hinahangaan ngayon ang isang lalaki dahil sa kakaiba nitong talento sa paglikha ng mga replica ng relo na gawa sa papel.
Ang artist na si Manabu Kosaka na mula sa Saitama ay kinikilala ngayon sa social media matapos nitong i-post ang kaniyang mga nagawa tulad ng replica ng rolex, casio at omega.
Sa una, iginuguhit muna ni manabu ang nais niyang kopya ng relo saka niya ito sisimulang buuin gamit lamang ang glue, gunting at swiss knife.
15 years na din ginagawa ni manabu ang naiiba niyang obra kung saan ipinakita niya din sa kaniyang social media ang mga iba pa niyang nilikha tulad ng replica ng Louis Vitton wallet, lighter, camera at sushi.
Facebook Comments