Isang Lalaki sa Roxas, Isabela, Patay Matapos Mabangga ng Elf Truck!

272

*Roxas, Isabela- *Dead on Arrival ang isang lalaki matapos itong mabangga kagabi ng isang elf truck partikular sa Provincial road ng San Luis, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Randy Gumiran, 33 anyos, residente ng Ilagan City, Isabela habang ang suspek ay kinilala naman na si Rodel Taguba, isang drayber at helper at residente naman ng brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay umano ng biktima ang naturang lansangan lulan ang kanyang bisikleta nang ito ay aksidenteng mabangga ng kasalubong na Elf na minamaneho ng suspek.

Dahil sa lakas ng impak ng pagbangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ni Gumiran kung saan isinugod pa ito sa pagamutan ngunit idineklara rin na dead on arrival.

Samantala, agad na sumuko ang suspek sa mga pulis at nasa kustodiya na ito ng PNP Roxas para sa kaukulang dokumentaayon at disposisyon.

Facebook Comments