Isang Lalaki sa San Mateo, Isabela, Huli sa Pagbebenta ng Droga!

149

*San Mateo, Isabela- *Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos magpositibo sa ikinasang transaksyon ng mga otoridad sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jaime Caligan alyas Jun, nasa tamang edad at residente ng Brgy 4, San Mateo, Isabela.

Sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga kasapi ng PNP San Mateo bandang alas syete kaninang umaga, agad na hinuli si Caligan matapos nitong mabentahan ang isang poseur buyer isang heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Nakuha mula sa suspek ang limang daang piso na buy bust money.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang suspek na mahaharap sa kanyang kaso.

Facebook Comments