Isang lalaki sa Santiago City, nagpakamatay matapos malaman na may kinakasama ang Live-in-partner sa Abroad!

856

*Santiago City, Isabela- *Natagpuan na wala nang buhay ang isang lalaki matapos itong magbigti dahil sa umano’y pagkakaroon ng ibang kinakasama ang kanyang live in partner sa abroad.

Kinilala ang biktima na si Jay-R Bosito, 28 anyos at residente ng barangay Rosario, Santiago City.


Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, nakatanggap umano ng mensahe sa messanger ang isang Laster John Ocampo mula sa live in partner ni Jay-R na si Joy Pagba Cruz, 28 anyos at kasalukuyang nagtatrabaho sa basang Maldives na nagsasabing hindi nito makontak ang biktima kaya’t nakiusap na puntahan ito.

Pinuntahan naman ni Ocampo ang biktima kasama ang mismong tatay ni Jay R at dito na natagpuan ang biktima na nakabitin sa steel truss sa loob ng kanyang bahay gamit ang isang lubid.

Ayon sa Santiago City Police Station, nakakarinig umano ng impormasyon ang biktima kaugnay sa pagkakaroon ng ibang kinakasama sa abroad ang kanyang Live in partner.

Bago pa naganap ang pagpapakamatay ni jay-R ay nagpadala muna ito ng mensahe sa kanyang kaibigan na si Jan Ranier Pua kaugnay sa pagsasabi nito ng kanyang problema.

Kaugnay nito ay nagpaalam pa ang biktima sa kanyang kaibigan at nagpadala pa ito ng kanyang larawan na may suot na lubid sa leeg bago isagawa ang pagbibigti.

Facebook Comments

From Advertisers