Panghimagas – Isang 21-anyos na lalaki ang kaya daw umubos ng halos 150 na saging sa loob ng isang linggo kung saan nagkaroon ito ng positive impact sa kaniyang katawan.
Si Dane Nash na tinatawag ang sarili na “fruitarian” ay nananatili daw na malusog at hindi nawawalan ng enerhiya kung saan kaniyang sinimulan ang pagkain ng prutas dalawang taon na ang nakalipas dahil sa problema niya sa kaniyang taghiyawat.
Dahil dito, hindi na siya kumakain ng iba kaya’t ayon sa mga doctor hindi advisable ang sobrang pagkain ng saging dahil kailangan din ng katawan ang iba pang importanteng nutrients gaya ng fats, protein, micronutrients at iba pa na kailangan din ng ating katawan.
Pero para kay Dane, ang saging ay mayaman sa potassium na nakakatulong sa ating muscles at ang pagresponde ng ating nerve cells kaya’t ito pa rin ang kaniyang kakainin bilang kapalit sa kanin at ulam.