Isang lalaki, sugatan matapos ang pagsabog sa BGC kagabi

Sugatan ang isang lalaki dahil sa malakas na pagsabog na sinundan ng malaking sunog sa Bonifacio Global City sa Taguig, kagabi.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang biktimang si Melchor Dela Cruz Macalandia, 35-anyos, na agad isinugod sa St. Luke’s Medical Center.

Ito ay matapos magtamo ng third-degree burns si Macalandia sa katawan at mukha.


Dakong ala-7 ng gabi nang yumanig ang malakas na gas explosion sa isang construction site sa tapat ng Akari building, sa kanto ng 20th at 21st drive na sinundan ng pagkalat ng apoy.

Umabot sa first alarm ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-9:30 ng gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, aksidente umanong natamaan ang isang gas pipe habang nagdi-drill sa construction site.

Facebook Comments