Isang Lalaki, Sugatan nang Saksasakin ng Kapwa Magsasaka!

45

*Quezon, Isabela-* Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kapwa magsasaka sa Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Manuel, 27 anyos, may asawa habang ang suspek ay si Jogel Mala, 32 anyos na kapwa residente ng Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, bandang alas kwatro ng hapon kahapon nang mangyari ang pananaksak ng suspek sa biktima partikular sa tanggapan ng DSWD.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Quezon, parehong pumipila sa tanggapan ng DSWD ang biktima at suspek upang kunin ang kanilang cash assistance na tulong para sa mga nabiktima ng mga nagdaang bagyo.

Sinabihan lamang umano ng biktima ang suspek na luminya sa pila subalit nagalit umano ang suspek.

Nang makauwi na ang biktima matapos matanggap ang kanyang cash assistance ay sinundan ito ng suspek at basta na lamang pinagsasaksak ng maraming beses sa kaliwang bahagi ng tagiliran at likuran ng biktima.

Agad na tumakas ang suspek lulan ang kanyang motorsiklo habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima para sa kanyang kaukulang lunas.

Patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng PNP Quezon kay Jogel Mala at inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments