Isang Lalaki, Timbog sa San Pablo!

*San Pablo, Isabela – *Arestado ang isang lalaki dakong alas syete kaninang umaga matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamyento de aresto nito sa Brgy. Bungad, San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nahaharap sa kasong libel ang akusado na kinilalang si Ricky Cammayo Maguliano, 44 taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela na may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang P48,000.00.


Dinala na sa himpilan ng PNP San Pablo ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dinala sa court of origin nito.

Facebook Comments