Isang Lalaki, Timbog sa Tangkang Pagpatay!

61

San Manuel, Isabela – Dinakip ang isang lalaki na may kinakaharap na 4 counts na kasong Attempted Murder matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest dakong alas tres ng hapon sa Brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela.


Kinilala ang akusado na si Angelo Pisco Castilo, singkwentay tres anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyong ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Castilo dahil sa 4 counts na kasong Attempted Murder matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela.

Nasa kustodiya na ng PNP San Manuel ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapiyansa ng P120,000.00 bawat isa.

Facebook Comments