Isang lalaki, tinangkang magpakamatay sa pag-akyat sa poste ng kuryente sa Navotas

Ligtas na naibaba ng mga tauhan ng Holy Prince Fire and Rescue Volunteer Inc., at lokal na pamahalaan ng Navotas ang isang lalaki na umakyat sa poste ng kuryente.

This slideshow requires JavaScript.

Ang hindi pa nakikilalang lalaki ay nakitang umakyat kaninang alas-2:00 ng madaling araw sa nasabing poste sa kahabaan ng M. Naval Street na halos katapat lamang ng Navotas City Hall.


Nabulabog ang mga residente dahil sa ginawa ng lalaki na tila tulala at panay pa ang pagsisigaw.

Pilit siyang pinakalma at kinausap para maging ligtas lalo na’t nahahawakan na nito ang maraming wire ng kuryente.

Inabot naman ng higit tatlong oras bago naibaba ang nasabing lalaki saka siya dinala sa malapit na ospital upang masuri.

Facebook Comments