Monday, January 19, 2026

Isang lalaking bumisita sa kulungan, naaresto matapos magpuslit ng ilegal na droga

Naaresto ang isang 28 taong gulang na lalaki matapos magpuslit ng ilegal na droga para sa isang detainee sa loob ng Lucena City Police Jail.

Nangyari ang nasabing pagkakaaresto matapos mapansin ng custodial officer ang kahinahinalang kilos ng nasabing suspek habang bumibisita sa Person Under Police Custody (PUPC).

Narekober sa suspek ang isang pack ng sigarilyo kung saan nadiskubre sa loob ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na nakabalot sa brown tape at naglalaman ng hinihinalaang shabu na may timbang ng aabot sa 4 na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng 27,200 pesos.

Dahil dito, nasa kustodiya na ng pulisya ang nasabing suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at inihahanda na para ifile sa Office of the City Prosecutor sa Lucena City.

Kaugnay nito, tinitingnan na rin ng mga otoridad ang posibilidad na may kasabwat pa ang nasabing suspek kaugnay ng pagtatangkang pagpupuslit ng ilegal na droga.

Facebook Comments