Isang lalaking drug pusher, arestado sa buy-bust operation sa Makati

26

Hindi na pumalag pa ang suspek na si Martin Barcase Bersamina, alyas Mike, 43-taong gulang matapos salakayin ang kanyang bahay sa Lungsod ng Makati ng mga otoridadad, pasado alas-6:30 kagabi.

Nakuha mula sa loob ng bahay ng suspek ang 2.2 gramo na umano’y shabu na nagkakahalaga ng Php14,960.


Narekober din ng Makati Philippine National Police (PNP) ang isang pirasong ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

Bago ang nasabing operation, nagsagawa muna ang Makati PNP ng surveillance operation laban sa suspek at nabilhan din ang suspek ng isang sachet ng umano’y shabu ng mga pulis.

Kaya naman dali-daling nilang sinalakay ang bahay nito sa No. 477 Anahaw Street, Barangay Comembo, Makati City, kagabi, dahilan upang maaresto si alyas Mike.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal drugs Act of 2002.



Facebook Comments