Isang lalaking food delivery rider, inaresto dahil sa paghahatid ng iligal na droga sa lungsod ng Maynila

Naharang mga awtoridad ngayong umaga ang isang food delivery rider na magdadala sana ng iligal na droga o shabu sa kanyang parokyano.

Ito’y matapos itembre ng barangay sa mga pulis ang iligal na gawain ng rider.

Nakilala ang suspek na si Edwardo Delos Santos, 48 taong gulang, residente ng Maynila.


Nakuha mula sa suspek ang ₱12,000 na halaga ng umano’y shabu.

Ayon kay Lieutenant Colonel John Guiagui, station commander ng Sta. Cruz Police, magde-deliver sana ang suspek sa ng umano’y shabu sa Barangay 346 Zano 35, lungsod ng Maynila.

Pero naharang nila ito sa kabahaan ng Felix Huerta Street corner Yuseco ng nasabing barangay.

Napagalaman din na dating drug surrenderee at naka-graduate na sa drug rehabilitation ang suspek.

Magsasagawa rin aniya ng imbestigasyon upang malaman kung kanino inihatid at sino-sino ang pinag-deliveran na ng suspek ng ilegal na droga.

Facebook Comments