Isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Muntinlupa City, arestado sa ikinasang buy-bust operation

Timbog ang isang lalaking hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa Lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya pasado alas-9:00 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Jheric Cabanting Cerdon, 30-anyos, residente ng Brgy. Buli sa nasabing lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang isang gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halaga na ₱6,800.


Ikinasa ang nasabing operasyon ng Muntinlupa Police Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency matapos makumpirma ang ilegal na transaksyon ng suspek sa Blk. 8, Lot 9, Brgy. Buli ng lungsod.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments