Isang lalaking lumabag sa ipinatutupad na ECQ, nahulihan pa ng ilegal na droga sa Pasig City

Kalaboso ang isang pasaway na 48 anyos na lalaki na walang trabaho matapos na mahulihan ng ilegal na droga nang balewalain nito ang isinagawang Quarantine Checkpoint sa Dr. Sixto Antonio Ave. Brgy. Rosario Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Robert Rimando na nahuli ng mga tauhan ng Barangay Security Force ng Brgy. Rosario Pasig City nang magsagawa ng “Quarantine Checkpoint” kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dumaan ang suspek sa Quarantine Checkpoint pero hinihingian ito ng mga tauhan ng Barangay Security Force ng Quarantine Pass, pero tumangging ipakita ang kanyang Quarantine Pass, at nagpupumiglas at nang kapkapan ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 11332 in Relation to Proclamation 922 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments