Isang leader ng Kamara, umapela kina Alice Guo, Cassandra Ong: Isiwalat nalalaman sa ilegal na POGO operations

Ngayong araw magpapatuloy ang ika-anim na pagdinig ng House Quad Committee na tututok sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Bunsod nito ay umapela si Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. Kina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Katherine Cassandra Li Ong na sabihin na ang totoo at lahat kanilang nalalaman ilegal na POGO para sa kapakanan ng bansa.

Ayon kay Gozales, bilang patunay sa sinasabi nina Guo at Ong na sila ay mga Pilipino ay dapat tumulong sila sa imbestigason laban sa underground POGO na nagsimula ang malawakang operasyon sa ilalim ng nagdaang administrasyon.


Si Guo ay sinasabing may koneksyon sa POGO hub na sinalakay ng mga awtoridad sa Porac, Pampanga.

Itinatanggi naman ni Ong na may kinalaman sya sa operasyon ng POGO pero mayroon umano siyang 58% bahagi sa korporasyong nagmamay-ari ng malawak na lupa sa Porac, kung saan itinayo ang 46 na gusali, isang mansyon at iba pang istruktura ng POGO operator na tinukoy bilang Lucky South 99.

Bukod kina Guo at Ong, ay binigyang naman ng ultimatum ng quad committee para lumutang sa pagdinig ngayon si dating President Spokesman Atty. Harry Roque na ipina-aresto ng Kamara.

Facebook Comments