Isang libong mga maliliit na negosyante, nakatanggap ng ₱10,000 cash card mula sa DTI

Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, na kabuuang 1,000 Local Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs ang nakatanggap ng cash cards bawat isa ng ₱10,000 sa cooperation ng Department of Trade and Industry o DTI bilang karagdagang capital para sa kanilang mga negosyo dahil sa pandemya.

Ayon kay Mayor Abalos, 10 mga nagmamay-ari ng Micro and Small mula sa Barangays Plainview at Hagdan Bato Itaas ang unang nakatanggap ng nasabing cash cards sa ilalim ng DTI.

Paliwanag ng alkalde na karamihan sa mga nakatanggap ay mga nagmamay-ari ng mga sari-sari stores at karinderya sa Negosyo Serbisyo sa Barangay – Pangkabuhayan para sa Pagbangon sa Ginhawa o NSB-PPG.


Binigyang diin ni Abalos na malaking tulong ang suporta ng DTI sa cash cards para pondohan ang mga maliliit na negosyante at makapagsimula muli kung saan noong kasagsagan ng pandemya ang lungsod ay nakatanggap ng cash card na nagkakahalaga ng ₱8,000 bawat isang mga negosyante.

Facebook Comments