Matagumpay ang naganap na turnover ng relief operation mula kay Sen. Win Gatchalian at ang munisipalidad ng Valenzuela City hatid partikular sa mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Mangatarem at Dagupan City na isinailalim ang lugar sa State of Calamity bunsod pa rin ng naranasang severe floodings dahil sa nagdaang Bagyong Egay.
Kasabay nito ang pamamahagi rin ng tulong pinansyal na nasa dalawang libong piso kada tao mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.
Matatandaan na libo-libong mga pamilya sa mga nabanggit na munisipalidad at lungsod ang higit naapektuhan at nawalan ng tirahan, hanapbuhay at maging mga kinakailangang kagamitan sa kanilang pamumuhay.
Nagpapatuloy din ang kaliwa’t-kanang pagsasagawa ng mga relief operations partikular sa Dagupan City para sa mga Dagupeñong lubos naapektuhan ng kalamidad na nagdaan.
Personal na tinanggap ni Mayor Fernandez ang tulong na laan para sa lungsod ng Dagupan, kawani naman ng lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara ang tumanggap at si Mayor Macanlalay naman sa bayan ng Calasiao.
Sa Dagupan City, nasa apat na raan o 400 na sako ng bigas ang ibinigay, sa bayan ng Calasiao, inilaan ang dalawang daan o 240 sacks of rice, habang sa bayan ng Sta. Barbara ay mayroong natanggap din na 160 na sako ng bigas at 200 para sa bayan ng Mangatarem.
Bukod sa relief operations, binahagi ni Sen. Win ang ilan sa mga sa patuloy na isinusulong nitong programa lalo na sa sektor ng edukasyon na magkapareho ang adhikain ng alkalde ng Dagupan para sa lungsod.
Nagpasalamat naman ang mga kawani ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan at lungsod para sa naipaabot na tulong na ilalaan bilang assistance sa mga residenteng lubos naapektuhan para sa kanilang muling pagbangon mula sa sakuna. |ifmnews
Facebook Comments