Isang libong motorcycle riders, lilikom ng pondo para donasyon sa pamilya ng mga sundalong nasawi at sa mga patuloy na nakikipagsagupa sa Marawi City

Manila, Philippines – Magmo-motorsiklo mula Manila hanggang Baguio City ang isang libong motorcycle riders’ ngayong weekend.

Ito ay upang makalikom ng pondo para maging donasyon sa pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis matapos na makipagsagupa sa Maute terrorist group sa Marawi City .

Ayon kay Civil Relations Service Commander Major Gen. Ronnie Evangelista pumayag silang makipag-partner sa grupong breakfast ride hindi lang dahil sa tulong na ibibigay ng mga ito sa AFP sa halip natutulungan din ng grupo ang AFP na ihayag sa iba pang grupo ng riders ang kanilang panawagang suportahan ang military.


Ilan daw kasi sa mga Pilipino ay nanatiling walang pakialam sa nangyayari sa Marawi City dahil hindi naman apektado.

Pero dahil may posibilidad aniyang mag spill over sa ibang lugar sa bansa ang nangyayari sa Marawi kung kayat kailangan ng AFP ang suporta ng publiko para mapigilan ito.

Ang 1 libong motorcycle riders ay mula sa ibat ibang panig ng bansa partikular sa Mindanao, Pagudpud, Ilocos at aparri na makikiisa sa aktibidad sa weekend .

Kabilang din sa sasama si PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos na isang biker at sinabing posible rin makilahok sa event na ito si PNP Chief Dela Rosa depende sa schedule nito.

Kaugnay nito nagpaliwanag naman si Gen Evangelista sa pagbenta nila ng T-shirt na may tatak na Support Our Troops.

Aniya hindi ito para makalikom ng pondo ang AFP dahil hindi ito ang trabaho ng kanilang unit sa halip nais lamang lang nilang manawagan sa buong bansa na suportahan ang AFP at sa pagsusuot ng ibinentang t-shirt ay maipapakalat nila ang panawagan.

Facebook Comments