Isang libong pensyon sa mga retiradong miyembro ng Social Security System, matatanggap na ngayong araw

Tiniyak ng Social Security System (SSS) na makukuha na ngayong araw ng mga retiradong miyembro ang karagdagang isang libong pisong pensyon.
 
Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order, dalawang buwan na ang nakalilipas.
 
Ayon kay SSS Media Affairs Assistant Vice President Maria Luisa Sebastian – retroactive ito, pero hindi kayang ibigay ng isahan sa mahigit dalawang milyong pensioners.
 
 
Paalala naman ng SSS, kasabay ng pag-apruba ni pangulong duterte sa dagdag pensyon ay kaakibat nito ang dagdag kontribusyon sa mga kasalukuyang naghuhulog o miyembro.
 
Nabatid na hinihintay na lamang ng SSS ang utos mula sa Malakanyang para sa inaasahang dagdag kontribusyon pero, siniguro rin ng ahensya na naghahanap sila ng iba pang paraan para mapalago ang kanilang pondo.
 
 Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
 

Facebook Comments