Matagumpay na napamahagian ng tulong pinansyal ang nasa kabuuang isang libong residente mula sa bayan ng Calasiao na lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha nitong mga nakalipas na araw.
Ang tulong na ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pamahalaan.
Ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office Calasiao ang mga residenteng ito ay ang mga Calasiaoneos na nasalanta ng baha.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Mayor Kevin Macanlalay sumakto aniya ang tulong na ito dahil para mas may magamit ang mga nasasakupan nito bilang ayuda sa nagdaang sakuna.
Bukod sa tulong pinansyal, napamahagian din ng masustansyang Nutribun, mga laruan at vitamins ang mga bata sa bayan.
Dito dinaluhan ni Sen. Imee Marcos kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan gaya na lamang ni Vice Governor Mark Lambino, Provincial Administrator Melecio Patague II, DSWD Regional Director Maria Angela Gopalan, PNP Region I Director PBGen. John Chua, PNP Pangasinan Provincial Director PCol. Jeff Fanged at marami pang iba.
Samantala, nakatakda ring tatangap ang mga bayan ng Sta. Barbara, Binmaley at Lungsod ng Dagupan ng nasabing tulong pinansyal mula sa pamahalaan.
#

Facebook Comments