Patuloy ngayon sa pamimigay ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa iba’t ibang ndibidwal na lubhang nangangailangan ng tulong partikular na sa lungsod ng San Carlos.
Sa nasabing lungsod, matagumpay na napamahagian ng tulong pinansyal ang nasa isang libong (1, 000) residente kung saan kinabibilangan ito ng mga indibidwal na mga cancer patients, mga PWDs at mga market vendors ng lungsod at ayon sa naging panayam kay Mayor Jullier Ayoy Resuello na sila umano ‘yong mga ‘di masyadong nakikita at hindi nabibigyan ng ayuda at kanilang sinigurado na sila talaga ay nangangailangan.
Tumanggap ang mga nabanggit na benepisyaryo ng tig-tatlong libong piso (Php 3, 000) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.
Ilan lamang sa nabahagian ng tulong na ito ay si Rey Mondares na dalawang taon nang pwd matapos itong madisgrasya sa Maynila habang nagtatrabaho kung saan nagpapasalamat umano ito dahil isa siya benepisyaryo at mayroon umanong pambili pa ng kanyang gamot.
Samantala, ang AICS ay nagsisilbing social safety net o stop-gap measure upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng mga hindi inaasahang pangyayari o krisis sa buhay. |ifmnews
Facebook Comments