Isang lider, dapat laging nasa frontline sa pagtutok sa COVID-19 response operations

Naniniwala si Vice President Leni Robredo sa kahalagahan ng pagiging hands-on ng isang lider sa kaniyang mga programa.

Ayon kay Robredo, “magdamag hanggang umaga,” ay nakakababad siya sa pangangasiwa ng Bayanihan E-Konsulta, lalo sa paghawak ng mga emergency cases na pumapasok sa programa ng kaniyang tangggapan.

Ani pa nito, ang pangunguna sa mga trabaho ng kaniyang opisina ay hindi lang nagsisilbing simbolismo, ngunit dito humuhugot ng lakas ang kaniyang mga staff.


Mula nagsimula ang Bayanihan E-Konsulta noong Abril, umabot na sa 55,587 na konsultasyon na ang naproseso sa programa.

Naging posible rin ito sa tulong ng mga 1,184 na mga doktor at 3,574 na mga external volunteers na nag-alay ng kanilang libreng serbisyo para sa mga kababayan.

Facebook Comments