Monday, February 2, 2026

Isang lider ng Kamara, nagpahayag ng pagkadismaya sa SC ruling ukol sa impeachment laban kay VP Sara

Hindi naitago ni House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor ang pagkadismaya sa pagpapatibay ng Kataastaasahang hukuman sa una nitong deklarasyon na unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Defensor, iginagalang nila ang Korte Suprema, pero hindi maikakaila na ito ay panghihimasok sa kapangyarihan ng Kongreso na may natatangi at eksklusibong mandato sa proseso ng impeachment.

Diin ni Defensor, paglabag sa prinsipyo ng separation of powers ang mungkahi ng Korte Suprema kung paano ipakahulugan at ipatupad ng Kamara ang sarili nitong mga patakaran.

Facebook Comments