Isang lider ng Kamara, nakiisa sa panawagan para sa agarang pagpasa ng Wage Hike Bill

Kaakibat sa pagkilala sa mga manggagawang Pilipino ay nanawagan din si House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Representative Jude Acidre na agad maisabatas ang panukalang magtataas sa sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor.

Umaasa si Acidre na sa pagbabalik ng session ng Kongreso sa Hunyo ay tuluyan nang mapagtitibay ang panukalang batas para sa umento sa sahod na nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara.

Diin ni Acidre, ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga manggagawa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagpasa ng mga polisiya para sa makatwirang sahod, ligtas na lugar paggawa, at mas maayos na pamumuhay para sa kanilang pamilya.

Para din kay Acidre, ang tunay na sukatan ng kaunlaran ay hindi ang mga estatistika ng ekonomiya kundi ang aktwal na kalagayan ng mga manggagawa.

Facebook Comments