Isang lider ng Kamara, naniniwalang may demolition plot laban kay Rep. Martin Romualdez

Malakas ang paniniwala ni House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno na mayroong pagtatangka na siraan o pabagsakin si dating Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez.

Tinukoy ni Puno ang pag-uugnay kay Romualdez sa kontrobersya sa farm-to-market roads bago ang nakatakda nitong pagharap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong araw.

Diin ni Puno, ang mga proyektong ini-uugnay kay Romualdez ay maliliit lang at lehitimo at dumaan din sa pagsusuri ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Tiwala naman ni Puno sa proseso ng ICI pero kanyang ibinabala na posibleng may iba talagang sangkot sa katiwalian ang gagawa ng paraan para maitutok ang problema sa ibang tao at hindi sa kanila.

Facebook Comments