Isang lider ng Kamara, tiwalang maisusulong na ang economic Cha-cha sa ilalim ng bagong liderato ng Senado

 

Ikinalugod ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe ang paghalal kay Senator Chiz Escudero bilang pangulo ng mataas na kapulungan.

Bunsod nito ay umaasa si Dalipe na sa ilalim ng liderato ni Escudero ay susulong na ang panukalang pag-amyenda sa mga economic provisions ng konstitusyon na tiyak pakikinabangan ng bansa at mamamayan Pilipino.

Tiwala rin si Dalipe na higit ngayong titibay ang kooperasyon ng dalawang kapulungan sa legislative process lalo na sa pagtataguyod ng mga prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Binigyang-diin ni Dalipe na mahalaga ang pamumuno ni Escudero sa pagtalakay sa mga panukalang batas na susi sa pag-unlad ng bansa.

Bukod dito ay sabik na rin si Dalipe na makatrabaho ang bagong Majority Leader na si Senator Francis Tolentino para sa pagsusulong ng mga mahalagang panukalang batas na mag-aangat sa buhay ng ating mga kababayan.

Facebook Comments