Wednesday, January 21, 2026

Isang lider ng Kamara, tiwalang mas mangingibabaw ang pagganap ni Rep. Sandro Marcos sa kanyang trabaho kaugnay sa impeachment complaint laban sa kanyang ama

Bagama’t mahirap ay tiwala si House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong na mas mananaig ang pagtupad ni House Majority Leader Sandro Marcos sa kanyang mandato at trabaho kumpara sa pagiging anak ng pangulo.

Reaksyon ito ni Adiong sa mga opinyon na sa ngalan ng ‘delicadeza’ ay mainam na mag-inhibit o huwag lumahok si Congressman Marcos sa proseso kaugnay sa nakahaing impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Diin ni Adiong, nasaksihan niya kung paano magtrabaho si Congressman Sandro gayundin ang puspusang pagsusulong nito sa mga mahalagang panukala.

Ipinunto rin ni Adiong, na isang boto lang naman si Congressman Marcos sakaling magpasya itong lumahok sa deliberasyon para sa impeachment complaint laban kay PBBM.

Facebook Comments