Isang lider ng Kamara, umaasang maiuuwi agad sa bansa ang labi ng 2 Pinoy na nasawi sa lindol sa Myanmar

Nakikiramay at umaasa si House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong na maiuuwi agad sa bansa ang labi ng dalawang Pilipino na nasawi sa lindol sa Myanmar.

Tiwala si Adiong na ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng kailangang hakbang para maiuwi na sa bansa ang kanilang mga labi at maibigay ang lahat ng tulong na kailangan ng kanilang mga pamilya.

Ikinalugod din ni Adiong ang puspusang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga awtoridad sa Myanmar upang matiyak na makarating ang tulong at suporta sa mga apektadong Pilipino ng trahedya.

Facebook Comments